
Sa dinadami dami nang nabasa kong love blogs para sa Eraserheads, lahat nakarelate ako. Grabe men, ang daming nagmamahal sa banda. Akala ko dati ako at ang kapatid ko na number one fans nila. Andami pala. :D At sa mga panahong ganito, na insomniac na naman ang lola nyo, nainspire naman ako na gumawa ng sarili kong listahan. The past 10 years with eheads in my life. *Naks* Pagbigyan na, ngayon lang ako nagblog nang mahaba. Haha. Hindi ko na magagawa to pag nagpreres na ko.
Naalala ko nun, may exam kami sa Araling Panlipunan, 2nd year highschool, hindi na magkasya sa utak namin (as I remember, joanne, carms, theresa, and others) ung mga kung anu anong treaties ng pilipinas sa history. Saktong kakaaral ko pa lang ng adlib ng “Minsan”. Kaya dinaan na lang namin sa gitara at kantahan, (syempre may songhits pa kami nyan) sa gitna pa ng lockers area yan ha. (Hindi ko na maalala kung pumasa kami sa AP) Hehe.
Dahil sa “Huwag mo nang itanong” ko nakilala ang first love ko. Hahaha. Sa tambayan namin malapit sa tennis court. Tumutugtog ako ng gitara, (puro eraserheads lang alam ko nun) nagrequest ung barkada nya, kahit hindi naman kami magkakakilala. Stylus. Ayos!
Nagconcert sa Bene ang Eraserheads back-to-back with Rivermaya. Naiyak talga ko sa tuwa nun. First time ko sila makikita. Bumili pa ako ng 30pesos per picture ni Ely sa kaklase ko. Lima pa ata un. Anmahal pala ng benta nya. Pero pinatos ko pa din. Oh well. Nakadikit na din naman sa diary ko un. Solb.
First time namin nagkalandline, ang hilig namin sa prank calls. At nakuha namin ung home number ni Ely. Kilig na kilig kami nung narinig namin boses nya sa answering machine. Hahaha. Kakahiya. Tapos siguro nafed-up na si Lally, sinagot na nya, tapos kinausap kami for more than an hour. Wala lang, nagsalita lang sya. Hindi na kami tumawag pagkatpos nun. :P
May panahon lang na lahat ng “E” ko nakaharap sa kaliwa. :P
Sabi sa balita, may backmasking daw ung Circus album. Gusto namin itry ng kapatid ko, pero syempre ayaw namin masira ang precious tape ng Circus. Kaya nag-dub muna kami, tsaka namin binack mask. Syempre wala kaming naintindihan. Kunwari na lang may narinig na “devil…” pero wala talga. Hehehe.
Pambonding naming magkapatid ang pagusapan ang Eraserheads. At naming magpipinsan ang paggitara ng kanta nila.
Paulit-ulit namin pinapatugtog ung Ultraelectromagneticpop album, tawang tawa kasi kami dun sa “bictor,bictor, adam, uno dos tres” bago “Combo on the Run”. At si Punk Zappa! Winner. :D
May record pa ako hanggang ngayon nung radio concert nila sa RX nung Cutterpillow album.
Nagcucutout pa ako ng pics nila dati sa songhits. Nung nabasa ko sa profile ni Ely na 25 years old na sya, “syet, ang tanda na ni Ely, wala na kong pag-asa!” Wahahahaha.
Gustong gusto namin pumunta sa Club Dredd nung highschool, kaso walang maghahatid samin. Hehehe.
Unang beses ko nagmura, dahil kinanta ko ung "Pare Ko". Haha.
Unang tuntong ko sa UP Diliman, Casaa at Kalayaan ang hinanap ko. At tuwang tuwa ako na sa Tandang Sora kami nakahanap ng bahay. (Puede na kaming tumambay) :P
Hay. I'll do this again, You can bet your puet.
Me loves eheads. =)


